Home NATIONWIDE 5 ex-DOTC execs guilty sa graft – Sandiganbayan

5 ex-DOTC execs guilty sa graft – Sandiganbayan

MANILA, Philippines – Idineklarang guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft ang limang dating opisyal ng dating Department of Transportation and Communication (DOTC).

Sinentensyahan ng hanggang 10 taong pagkabilanggo ang mga sumusunod:

– dating DOTC director Elmer Soneja
– dating DOTC director Venancio Santidad
– dating DOTC director Ildefonso Patdu Jr.
– dating DOTC director Rebecca Cacatian
– dating DOTC legal officer Geronimo Quintos

Nakita rin na guilty ang isang pribadong mamamayan na si Domingo Samuel Jonathan Ng, isang negosyante.

Bukod sa pagkabilanggo, pagbabawalan na rin ang mga convicted individual sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Ang limang dating opisyal ng DOTC ay mga miyembro ng Bids and Awards Committee na nag-apruba sa kwestyonableng pagbili ng P6 milyong halaga ng mga cellphone noong 2005.

Ayon sa Sandiganbayan, iginawad ang kontrata para sa pagbili ng mga cellphone sa kompanya ni Ng kahit hindi isinagawa ang public bidding.

Nadiskubre rin ng Commission on Audit (COA) na hindi awtorisadong dealer ng mga cellphone ang kompanya ni Ng. RNT/JGC