Home METRO 12-taon nagtago sa batas Wanted person ng Ilocos, nakorner sa Kyusi

12-taon nagtago sa batas Wanted person ng Ilocos, nakorner sa Kyusi

ILOCOS SUR- Swak sa kulungan ang isang lalaking 12-taon na pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa kasong kinahaharap nito sa korte na frustrated homicide matapos maaresto sa Payatas-A, Quezon City kahapon, Hulyo 2.

Ang akusado na si alyas “Greg”, 35, walang asawa, cellphone technician, tubong- Banayoyo, Ilocos Sur, naninirahan sa Payatas B, Quezon City ay inaresto ng mga otoridad sa bisa ng alias warrant of arrest na may petsang August 22, 2011 at April 16, 2012 na inilabas ng RTC First Judicial Region, Branch 22, Narvacan, Ilocos Sur.

Bandang 6:10 ng hapon ng arestuhin ng mga pinagsanib na puwersa mula sa Banayoyo Municipal Police Station (lead unit), Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), ISPIU, 1st at 2nd PMFC ang akusado sa may Campo Area Marketplace, Sto. Niño St corner San Juan Bautista St.

P40,000.00 ang inirekomenda ng korte na piyansa para sa akusado. Rolando S. Gamoso