Home HOME BANNER STORY Ikatlong ‘Alice Guo’ lumitaw sa NBI records

Ikatlong ‘Alice Guo’ lumitaw sa NBI records

Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules, Hulyo na sinusuri nila ngayon ang isa pang fingerprint ni “Alice Guo” sa record nila mula 2005.

“Meron pang isang Alice Guo na kumuha ng clearance in 2005. Remember that yung [alien certificate of registration] niya na naka-file sa amin is 2006. Kumuha si Alice Guo 2021 ng clearance. Merong kumuha ng clearance 2005, Alice Guo din,” ayon kay NBI director Jaime Santiago sa press conference.

Inaasahang ilalabas ngayong araw ang resulta ng ikatlong fingerprint.

“Nakapaglabas na po kami ng dalawang result ng, yung fingerprint ng dalawang impression niya na iisa nga. I have a third fingerprint card na anytime within the day, ilalabas po natin ang resulta,” ani Santiago.

Matatandaan na nauna nang inihayag na magkapareho ang fingerprint ni Guo at ng Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Ito ay ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros sa pagsasabing nakumpirma sa pagsusuri ng NBI ang kanilang mga hinala na si Guo ay isang “a fake Filipino… masquerading as a Filipino citizen to facilitate crimes.”

Nitong Martes, hinimok naman ni Senador Sherwin Gatchalian si Guo na ilantad ang mga main player sa illegal POGOs sa bansa. RNT/JGC