Home NATIONWIDE FPRRD kay De Lima: Makuntento na, ‘wag nang maghanap ng gulo

FPRRD kay De Lima: Makuntento na, ‘wag nang maghanap ng gulo

MANILA, Philippines – PINAYUHAN ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si dating Senador at Justice Secretary Leila de Lima na maging kuntento sa kanyang kasalukuyang situwasyon at umiwas na makipag-away na pagsisisihan nito.

Tugon sa kamakailan lamang na pagbatikos ng dating mambabatas, sinabi ni Duterte na kahit ano man ang ginawa ni De Lima at maging kung magpapako pa siya sa krus ay pinahiya pa rin niya ang buong bansa at ang henerasyon matapos niya.

“What will I be held accountable for? She caused the mess, and yet I will be held accountable? Find your peace where you are now. Don’t look for trouble. You will only regret it,” ayon kay Duterte.

“That is still there… Why retaliate against me? I don’t do rock and roll,” ayon pa rin sa dating Pangulo, tinukoy ang isang video kung saan inilalarawan ang pagsasayaw ni De Lima dancing sa isang rock concert na hinost ng convicted drug lord sa national penitentiary sa Muntinlupa City.

Kinilala naman ng dating Pangulo ang ruling ng Korte na nilinaw ang pangalan ni De Lima sa kanyang ikatlo at panghuling drug case matapos ang pitong taon.

Bilang abogado, sinabi ni Duterte na ang masasabi lamang niya ay tama ang naging desisyon ng korte. Idinagdag pa nito na dapat lamang na igalang ang hatol na ibinigay ng korte sa kaso ng dating mambabatas.

Nauna rito, tinawanan lamang ng dating Pangulo ang banta ni De Lima na kasuhan ang mga dating opisyal ng gobyerno na nag-imbento ng tatlong drug case sa kanya.

Tinukoy mismo ni De Lima sina dating pangulong Duterte at dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II na kakasuhan sa pag-imbento ng tatlong drug case laban sa kanya.

Noong nakaraang lingo, sinabi ni De Lima na panahon na para harapin naman ni Duterte ang mga maling gawi nito sa kanyang naging kontrobersiyal na drug war.

Sinabi pa ng dating senador na tutulungan niya ang International Criminal Court (ICC).

Ang tugon naman ni Duterte ay, “the ICC has been around for a long time. He added that he does not care about the ICC as they have no jurisdiction in the Philippines.”

“I don’t give a s**t whether they come in. The Philippines has already left the ICC. We’re not part of it. If they insist that there is a case warranting my arrest, I will wait for them,” ayon sa dating Pangulo.

Matapang na sinabi ni Duterte na nais niya na magsilbi ng warrant ang ICC, at hindi ang Philippine National Police (PNP) o ang National Bureau of Investigation (NBI).

“I want the ICC representative to bring me the document because the moment that person gives it to me, I will feed the paper to him or deliver him to hell,” ayon sa Pangulo.

Sa kabila ng ‘kumplikadong relasyon’ sa pagitan nina Duterte at ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak naman ng huli na hindi niya ‘iha-hand over’ si Digong Duterte sa ICC. Kris Jose