Home ENTERTAINMENT Baby Bean, nairita sa boses ng ina, nagtakip ng tenga!

Baby Bean, nairita sa boses ng ina, nagtakip ng tenga!

Manila, Philippines- Sa halip na music to her ears ay tila ingay para kay Amila Sabine o Baby Bean ang singing voice ng ina.

Si Baby Bean ang firstborn ni Angelica Panganiban sa asawang si Gregg Homan.

Pinusuan nga ng mga netizens ang video na ibinahagi ng aktres sa Instagram.

Makikitang umaawit si Angelica ng kantang Tomorrow myla sa dulang Annie.

Karaniwang inaawitan ng magulang ang kanilang mga sanggol na anak bilang panghele sa kanila.

Pero iba ang epekto nito kay Baby Bean.

Ikinaaliw kasi ng mga netizens ang pagtatakip nito ng magkabilang tenga.

Sinundan pa ito ng dayalog na: “Ayaw!!!”

Naloka na lang si Angelica na napatanong sa anak ng: “Bakit ayaw?”

Nilakipan pa niya ito ng caption na: “Ang aga mo namang umayaw?”

Pinusuan ng mga netizens believed to be moms ang tagpong ‘yon.

Ikinatuwa nila ang reaksyon ni Baby Bean, na kahit sa napakamurang edad already has an ear for music.

At sa kaso nga ng kanyang ina: noise!

Pilyang bata! Ronnie Carrasco III