Home METRO 5 huli sa drug den sa Southern Leyte

5 huli sa drug den sa Southern Leyte

MACROHON, Southern Leyte-TIKLO ang limang katao na pinaniniwalaan tulak at gumagamit ng iligal na droga matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den, iniulat nitong Sabado, Pebrero 10 sa bayang ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jehinnes Alarcon (maintainer), 49, Marjon Diola (co-maintainer), 37 anyos, Dexter Isma (visitor), 37-anyos, Juve Dayola (visitor), 33 anyos, at Kenneth Batistil, 35, lahat ay residente Brgy. Ichon, Macrohon, Southern Leyte.

Sa pinagsamang operasyon ng Macrohon Municipal Police Station, PIT Southern Leyte RIU8 , PDEA8- Southern Leyte Provincial Office, bandang 11:45 AM inilatag ang buy bust operation laban sa mga suspek sa naturang lugar.

Nakuha sa mga suspek ang 8 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 20.1 gramo at tinatayang aabot sa halagang ₱136,500, at mga drug paraphernalias.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Macrohon Municipal Police Station Lock-Up Facility ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R1 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

Previous articleKanselasyon ng pasaporte ni Teves, malugod na tinanggap ng asawa ni Degamo
Next article#WalangTubig sa ilang bahagi ng Mandaluyong, Rizal mula Peb. 13 ‘gang 29