Home NATIONWIDE Kanselasyon ng pasaporte ni Teves, malugod na tinanggap ng asawa ni Degamo

Kanselasyon ng pasaporte ni Teves, malugod na tinanggap ng asawa ni Degamo

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, biyuda ng pinatay na si Governor Roel Degamo, ang kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 15 sa agarang kanselasyon ng pasaporte ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

“Ngayon nakikita na natin na talagang sana ito may patutunguhan na, because the cancellation of his passport is really a big thing, it truly will make his world really small, talagang liliit ang mundo niya,” ani Degamo.

Aniya, hakbang ito upang magkaroon na ng closure sa mga kaanak ng iba pang napatay noong araw na paslangin si Degamo.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, matagal nang humihiling ang mga biktima na kanselahin ang pasaporte ni Teves.

“Well ganito lang iyan, sa pagkansela ng passport ni Mr. Teves, walang makakaligtas sa hustisya tandaan niyo yan, sooner or later maski saan ka magpunta saan ka magtago hahanapin ka ng batas at mananagot ka sa kasalanan mo, at iyan ang sinasabi natin sa ating mga kababayan. Nangyari ito last year tayo’y nabigla sa lahat ng ito, sinasabi ng taong bayan, nasaan ang hustisya, heto na po ang hustisya, nandiyan na,” sinabi ni Abalos.

Sa desisyon ng korte, ipinag-utos sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agarang kanselahin ang pasaporte ni Teves, na pinaniniwalaang nagtatago sa Timor Leste.

Inatasan din ang National Bureau of Investigation na pauwiin na si Teves sa bansa.

Aapela naman ang kampo ni Teves sa desisyon, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel nito.

“For one, we can always file a motion for reconsideration before the same court that granted the motion of the Department of Justice to cancel the passport and failing to get from that we can always go to higher judicial authority. Rest assured we will exhaust all legal means to seek justice for our client, and we will let the court decide on the outcome of this appeal,” ani Topacio.

“Technically speaking, there are no grounds for cancellation because there are only three grounds: if you acquired the passport in fraudulent means, which is not alleged here, or if a passport holder has been convicted of any crimes, which is also not the situation in this case,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous article3 patay, 14 sugatan sa naaksidenteng van sa TPLEX
Next article5 huli sa drug den sa Southern Leyte