Home METRO 5 human trafficking victims nasagip 

5 human trafficking victims nasagip 

MANILA, Philippines- Nasagip ng Armed Forces-Naval Forces Western Mindanao ang limang hinihinalang human trafficking victims sa Zamboanga City seaport nitong Miyerkules.

Sakay sila ng isang commercial vessel na nakadaong sa isang seaport at paalis na sana sa pamamagitan ng southern backdoor nang masagip sila.

Hindi sila nakapagpakita ng employment documents at patungo umanong Malaysia sa pamamagitan ng pagdaan sa Tawi-Tawi kung saan nila katatagpuin ang mga hindi natukoy na indibidwal.

Kinilala ang mga nasagip na indibidwal na mga residente ng mga siyudad ng General Santos at Pagadian cities na pinangakuan ng trabaho sa ibang bansa.

Isinailalim sila sa profiling at documentation at dinala sa Department of Social Welfare and Development-9 Processing Center for Displaced Persons para sa temporary shelter, counseling, assessment, at evaluation.

Ito ang ikatlong matagumpay na rescue operation na inilunsad ng NFWM para sa mga biktima ng human trafficking. RNT/SA