Home METRO Grade 11 todas sa pananaksak ng menor-de-edad!

Grade 11 todas sa pananaksak ng menor-de-edad!

LAPU-LAPU CITY, Cebu- Patay ang isang Grade 11 student matapos umano itong saksakin ng isang menor-de-edad sa labas ng isang disco sa Sitio Mainit, Barangay Sta. Rosa sa Olango Island sa Lapu-Lapu City dakong ala-1 ng madaling araw nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si John Paul Roland Maranga Dungog, 18, residente ng parehong barangay.

Tinukoy naman ang umano’y kanyang attacker na isang 16-anyos na binatilyo mula sa Sitio Causwagan sa Barangay Baring, sa Olango Island.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christian Torres, tagapagsalita ng Lapu-Lapu City Police Office, kasama ng biktima at suspek ang kanya-kanyang kaibigan na nagtungo sa isang disco sa Barangay Sta. Rosa. 

Ani Torres, habang nagsasayawan sila, nagsimulang mag-away ang mga miyembro ng dalawang grupo.

Kalaunan ay lumabas sila ng disco at doon nagkagulo.

Habang nagbabakbakan ang dalawang grupo, inilabas ng 16-anyos ang isang ice pick at sinaksak ang biktimang tinamaas sa kaliwang dibdib.

Dinala ang Grade 11 student sa Sta. Rosa Community Hospital subalit namatay din pagsapit ng alas-2 ng madaling araw. RNT/SA

Previous article5 human trafficking victims nasagip 
Next articleBabae timbog sa P2.1M shabu