Home METRO Babae timbog sa P2.1M shabu

Babae timbog sa P2.1M shabu

BACOLOD CITY- Nasabat ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.1 milyon mula sa isang 56-anyos na drug pusher sa isang buy-bust operation sa Purok Narra Baybay, Barangay 8, sa lungsod na ito, nitong Sabado.

Sinabi ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) na naaresto si Maria Faith Equibal ng Barangay 2 sa lugar na ito matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000 sa isang police poseur-buyer.

Ani Police Capt. Joven Mogato, CDEU head, tatlong linggo nilang tiniktikan ang suspek kasunod ng mga ulat na nagsilbi umano itong courier ng ilegal na droga.

Sinabi pa ni Mogato na nakakulong din ang dalawang anak ng suspek dahil sa drug offenses.

Ayon sa opisyal, kinukuha nagmumula ang illegal drug supply sa labas ng lungsod. RNT/SA

Previous articleGrade 11 todas sa pananaksak ng menor-de-edad!
Next articleP1.4M puslit na yosi nasamsam sa Cotabato City