Home ENTERTAINMENT Bea at Dom, nagsalita na!

Bea at Dom, nagsalita na!

Manila, Philippines – Nothing can be more positive than two people directly involved confirming the issue themselves.

Ang tinutukoy namin ay ang dating magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque na naglabas na ng kanilang joint statement nitong February 11, Linggo.

Naglalaman ito ng kumpirmasyon na break na nga silang dalawa.

Part of it reads: “After much thought, consideration and care, we have amicably agreed to end our engagement.”

Kinailangan daw nilang magsalita dahil tila nasaktan sila na iba pa raw ang nagbalita ng tungkol sa kanilang paghihiwalay.

In the process, ang dami raw tanong, espekulasyon at mapang-insultong salitang binitawan tungkol sa kanila.

Along with seeing the need to explain their side, aminado sina Bea at Dominic na: “It was not an easy decision.”

Masakit daw kung sa masakit ang pagpapasyang ‘yon na tuldukan na nila ang kanilang relasyon.

Pero kinailangan pa rin daw nilang sumige “for our peace of mind and for our families.”

Sa ngayon ay humihingi ang dalawang kampo ng privacy mula sa publikong nag-aabang ng mga posibleng developments sa kanilang breakup.

Kung matatandaan, it was Ogie Diaz who “dropped the bomb” tungkol sa aniya’y umanong paghihiwalay nina Bea at Dom sa kanilang online show.

Boy Abunda on his Fast Talk corroborated with Ogie’s report saying na tama ang naiulat nito.

Of the many things that have seen print and made the rounds of social media, isa lang ang tiyak: now that Bea and Dom have already called off their engagement, matik na wala nang magaganap na kasalan.

Maitatanong lang: bakit nowhere in their joint statement was the reason for their breakup ever mentioned o pahapyaw man lang na binanggit? Ronnie Carrasco III