PANGASINAN-Limang indibiduwal ang iniulat na sugatan sa naganap na pagsabog sa isang hinihinalang maliit na firecracker factory o pagawaan ng paputok sa Brgy. Tubeng, Dagupan City ng lalawigang ito kahapon, Nobyembre 16.
Tatlo sa mga sugatan ay mga babai na edad 74, 68, 39 samantalang ang dalawang lalaki na sugatan ay edad 36 at 43.
Pawang mga residente ng naturang bayan ang mga biktima.
Mabilis na rumesponde sa lugar ang mga PNP at BFP personnel matapos nilang makatanggap ng impormasyon tungkol sa naganap na pagsabog na nagresulta sa pagkasunog ng hinihinalang firecracker factory.
Bandang 4:46 ng hapon nang ideklarang fireout sa naturang lugar. ROLANDO S. GAMOSO