Home NATIONWIDE 5 lugar sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Easter Sunday

5 lugar sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Easter Sunday

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “dangerous” heat indices sa limang lugar sa bansa nitong Linggo.

Anang PAGASA, naramdaman ang heat index na 45°C sa Catarman, Northern Samar, sinundan ng heat index na 44°C sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Pili, Camarines Sur, at sa Aparri, Cagayan. 

Nakapagtala rin ito ng heat index na 43°C sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur, at heat index na 42°C sa Daet, Camarines Norte. 

Ayon sa weather bureau, ang mga lugar na may heat indices na 42-51°C ay nasa ilalim ng “danger” level, na nangangahulugang posible ang heat cramps at heat exhaustion, habang maaaring magresulta sa heat stroke ang patuloy na aktibidad.

Samantala, karamihan sa mga lugar sa bansa ay nananatili sa ilalim ng “extreme caution” level o heat index na 33-41°C. RNT/SA

Previous article29 patay sa pagkalunod noong Easter Sunday – PNP
Next articleTINGNAN: Traffic sa EDSA