Home METRO 5 miyembro ng BIFF sumuko sa Maguindanao del Sur

5 miyembro ng BIFF sumuko sa Maguindanao del Sur

76
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa militar sa Maguindanao del Sur noong Lunes upang muling makapamuhay nang normal kasama ang kanilang pamilya.

Noong nakaraang linggo, 10 BIFF members din ang sumuko sa 601st Infantry Brigade sa parehong lalawigan.

Iniharap ni Lt. Col. William Sabado ng 1st Mechanized Infantry Battalion ang mga sumuko kay Brig. Gen. Edgar Catu, commander ng 601st Infantry Brigade, sa seremonya sa headquarters sa Talayan.

“The voluntary surrender of these individuals is a significant step demonstrating their willingness to embrace peace,” ani Catu.

Isinuko rin ng mga dating miyembro ang iba’t ibang armas kabilang ang .50-caliber Barrett sniper rifle, Garand rifle, dalawang homemade Uzi submachinegun, at isang M79 grenade launcher.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay ang mga ahensya ng gobyerno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Maguindanao del Sur ng bigas, cash assistance, at iba pang tulong.

Layunin ng cash aid na magsilbing panimulang puhunan sa kanilang kabuhayan habang sila ay nagbabalik-loob sa lipunan.

Hinimok din ni Catu ang iba pang miyembro ng BIFF na sumuko at samantalahin ang peace program ng gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here