Home METRO Kanlaon muling nagbuga ng abo; alert level 2 nananatili

Kanlaon muling nagbuga ng abo; alert level 2 nananatili

76
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Iniulat ng PHIVOLCS na muling nagkaroon ng ash emission ang Kanlaon Volcano nitong Martes.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagbuga ng abo alas-5:32 ng umaga at alas-6:01 ng umaga, na lumikha ng kulay abong usok na umabot sa 800 metro mula sa bunganga bago tinangay pakanluran.

Naitala ang mga ito ng monitoring cameras sa Kanlaon Volcano Observatory sa Canlaon City. Nananatili ang Alert Level 2 o increased unrest sa bulkan.

Sa 24-hour monitoring, nakapagtala ang ahensya ng limang ash emission na tumagal ng tatlo hanggang 60 minuto, at 22 volcanic earthquakes kabilang ang limang tremor na tumagal ng dalawa hanggang 39 minuto.

Umabot sa 2,975 tonelada ang sulfur dioxide emission noong Lunes, habang ang usok mula sa bulkan ay umabot sa 1,500 metro at kumalat pakanluran, timog, at timog-silangan.

Ipinakita rin ng ground deformation data na nananatiling “inflated” o namamaga ang bulkan.

Mahigpit na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at pinapayuhan ang mga eroplano na umiwas sa paglapit dahil sa panganib ng biglaang ash emission.

Nagbabala rin ang ahensya sa posibleng phreatic eruptions at iba pang mapanganib na aktibidad ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here