Home METRO 5 most wanted sa C. Visayas nalambat

5 most wanted sa C. Visayas nalambat

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang katao na nasa most wanted list sa Negros Oriental kabilang ang nasa Central Visayas, kamakailan.

Ayon sa CIDG, ang suspek ay kilala sa mga alyas na Felix, Renato, Daniel, Julian at Angelito, lahat ay taga-Negros Oriental.

Sa report ng CIDG, nadakip ang mga suspek noong Pebrero 12, 2025 na may kasong murder at frustrated murder sa Barangay Nagbinlod, Sta. Catalina, Negros Oriental.

Inakusahan ang mga suspek sa pagkakasangkot sa pagpatay ng isa at ikinasugat ng dalawa sa Bayawan City, Negros Oriental dahil sa away-lupa.

Sa ipinalabas na arrest warrant ni Judge Maria Myla Rae Santos-Orden ng Bayawan City Regional Trial Court Branch 63 noong Pebrero 5, 2025, walang inirekomendang piyansa para sa kasong murder habang sa attempted murder ay pinayagang magbayad ng halagang P120,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

“We are relentless in tracking fugitives and ensuring that they are held accountable for the crimes they committed,”pahayag ni CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III. Mary Anne Sapico