Home NATIONWIDE 5 patay, 21 sugatan sa dalawang lindol sa Peru

5 patay, 21 sugatan sa dalawang lindol sa Peru

21
0

PERU – Lima ang nasawi at 21 ang sugatan matapos tumama ang dalawang malakas na lindol sa Peru.

Ang lindol ay tumama Sabado ng gabi, Hulyo 18, na isang magnitude 5.1 at 3.7 na lindol sa Chupaca Province sa Junin Region, o 300 kilometro silangan ng Lima.

Tumama ang unang lindol na may lalim na 24 kilometro at ang ikalawa naman ay 18 kilometro.

“So far, we have confirmed five deaths and 21 injuries,” sinabi ni Luis Vásquez, pinuno ng National Civil Defense Institute ng Peru.

Sa preliminary reports ay nakita rin na mayroong 48 tirahan ang nasira at 18 ang nagtamo ng pinsala.

Mayroong 300 katao ang tumutuloy sa mga tent. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here