Home NATIONWIDE 5 patay sa Wisconsin school shooting

5 patay sa Wisconsin school shooting

MANILA, Philippines- Nagresulta ang pamamaril sa isang Christian school sa Madison, Wisconsin sa limang patay na indibidwal nitong Lunes, kabilang ang hinihinalang shooter, na isang mag-aaral sa paaralan batay sa mga awtoridad, na nagsabing lima pang katao ang sugatan at may mga batang nasawi.

Naganap ang pamamaril sa Abundant Life Christian School, isang pribadong institusyon na nagtuturo sa halos 400 estudyante mula kindergarten hanggang 12th grade, batay sa Madison Police Department.

Sinabi ni Madison Police Chief Shon Barnes sa isang news conference na hindi bababa sa limang indibidwal ang nakitil sa insidente, kabilang ang hinihinalang shooter, na natagpuang patay ng mga pulis pagdating nila sa paaralan. Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng shooter.

Nasa limang indibidwal ang dinala sa mga ospital, ayon kay Barnes.

“Today is a sad, sad day, not only for Madison, but for our entire country, where yet another police chief is doing a press conference to speak about violence in our community,” ani Barnes.

Dagdag niya: “Every child, every person in that building, is a victim, and will be a victim forever. These types of trauma don’t just go away.” RNT/SA