JONES, Isabela – Himas rehas ang limang nagsusugal ng ‘Lucky 9’ matapos maaktuhan ng pulisya sa ilalim ng puno mangga sa Zone 7, Brgy. 1 Jones, Isabela.
Sa mahigpit na direktiba ni PCol. Lee Allen ‘LABB’ B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa kampanya sa illegal gambling ay naaktuhan nagsusugal sina alyas Marco na isang laborer, alyas Aries na isang helper, alyas Rica na isang estudyante, alyas Isang na isang merchandizer, at alyas Mary na isang massage theraphist, pawang mga residente ng nabanggit na bayan.
Nakumpiska ang isang set ng baraha, P277.00 na bet money, isang puting mesa, apat na dilaw na Monoblock Chair color yellow, at isang kulay abo na upuan.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang limang sugarol para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO