Home METRO 5 timbog sa P8M droga sa Manila, Pampanga

5 timbog sa P8M droga sa Manila, Pampanga

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis ang limang drug suspects at nasabat ang P8 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila at Pampanga nitong weekend.

Sa press release nitong Linggo, inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakadakip sa isang 40-anyos na drug suspect sa isang buy-bust sa Barangay 513, Sampaloc, Manila.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 44 kilo ng hinihinalang dried marijuana na nagkakahalaga ng P5.28 milyon, kasama ang buy-bust money at sakong ginamit upang itago ang droga.

Sa Pampanga, sinabi ni Police Regional Office-3 (Central Luzon) Director Brig. Gen. Jean Fajardo na apat na suspek, kabilang ang isang high-value individual, ang nahuli sa Barangay Cabetican, Bacolor.

Kabilang sa mga nasamsam na item ang 402 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.73 milyon, baril, bala, at sasakyan.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa mga kaukulang kaso. RNT/SA