Home METRO Mga pananim sa Benguet nag-yelo

Mga pananim sa Benguet nag-yelo

MANILA, Philippines- Sa pagkakatala ng pinakamababang temperatura sa Benguet mula nang mag-umpisa ang Northeast Monsoon o Amihan season, nabalot ang mga pananim sa bayan ng Atok sa frost o andap, dahilan upang aksyunan ito ng mga magsasaka.

Batay sa ulat nitong Linggo, pinipisitan ng mga magsasaka ng tubig ang kanilang mga pananim upang maiwasan ang pinsalang dulot ng andap.

Iniulat ng weather service PAGASA na ang temperatura sa La Trinidad, Benguet ay bumulusok sa 9.4 degrees Celsius, pinakamababa ngayong Amihan season. RNT/SA