Home METRO P42.3M marijuana sinunog sa Kalinga

P42.3M marijuana sinunog sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga- Sinunog ng mga awtoridad ang marijuana na nagkakahalaga ng P42.3 milyon sa eradication operations sa ilalim ng “Oplan: Ganja 2”  sa bayan ng Tinglayan sa Kalinga province mula Jan. 22 hanggang 24.

Sinabi ni Police Col. James Mangili, Kalinga police chief, na 73,500 fully grown marijuana plants sa isang plantasyon na may kabuuang land area na 3,950-square meters at standard drug price na P14.7 milyon ang binunot.

Ayon pa kay Mangili, 230 kilo ng dried marijuana at stalks na nagkakahalaga ng P27.6 milyon ang winasak sa dalawa pang plantasyon sa lugar.

Sinunog ang mga ito at ang mga nakolektang sample ay ipinadala sa Kalinga Forensic Unit para sa qualitative examination.

“Despite not apprehending any cultivators, this operation underscores our continued commitment to eradicating illegal drugs and safeguarding our community,” ani Mangili.

Nagsasagawa na ang mga pulis ng follow-up investigation upang matukoy ang cultivators. RNT/SA