Home METRO Mga empleyado ng resort nagkagulo; 1 patay, 1 sugatan

Mga empleyado ng resort nagkagulo; 1 patay, 1 sugatan

LUCENA CITY- Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang sugatan ang isa kasunod ng pagtatalo na naging madugo sa pagitan ng mga empleyado ng isang resort sa Silang, Cavite nitong Sabado ng gabi, base sa mga pulis.

Sa ulat nitong Linggo, sinabi ng Police Region 4A na ang tatlong trabahador na kinilalang sina “Jabbar,” “Carlo” at “Rico” sa Hacienda El Vinarios Resort sa Barangay Bucal ay nag-iinuman at naglalangoy sa pool dakong alas-9:15 ng gabi.

Kalaunan, dumating ang dalawa nilang katrabaho na sina “Dionisio” at “Emilinda” at kinastigo sila sa paggamit ng swimming pool na lilinisin sana nila alinsunod sa utos ng resort owner.

Umalis ang tatlong empleyado at bumalik kalaunan.

Doon na pinagbabaril ni Carlo, armado ng M-16 rifle, si Dionisio sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Tinamaan din si Emelinda sa kanyang binti.

Habang gumagapang ang dalawang biktima, inatake rin sila nina Jabbar at Carlo, kapwa armado ng itak, base sa mga pulis.

Tumakas sina Jabbar at Carlo matapos ang insidente, habang si Rico, na naiwan, ay naaresto ng mga pulis.

Isinugod ang mga biktima sa Tagaytay Medical Center sa Tagaytay City subalit pumanaw si Dionisio habang ginagamot.

Narekober ng mga imbestigador ang baril na ginamit sa krimen.

Naglunsad naman ang mga pulis ng manhunt operation upang madakip ang dalawa pang suspek. RNT/SA