Home NATIONWIDE 5 Tip Para Mapabuti ang Kalidad ng Iyong Video Call

5 Tip Para Mapabuti ang Kalidad ng Iyong Video Call

Dahil sa pagsulong ng teknolohiya ngayon ay napapadali na ang komunikasyon ng mga tao. Dati nagtitiyaga tayo sa matagal na tila pagong na telegrama. Ngayon, kailangan mo lang ng internet at smart device, maaari mo nang makausap ang isang tao saan man siya sa mundo. At hindi lang kayo nagkakarinigan, magkakakitaan pa kayo. Ito ay sa pamamagitan ng video calling.

Marami nang mga social media at chat platform ang may tampok na video calling. Nariyan ang Messenger, Tiktok, Zoom, Skype at syempre sa mga dating app din gaya ng Chat roulette.

Siyempre sa video call, una mong isasaalang-alang kung paano magiging hitsura mo sa mga kaharap mo sa internet. Maaaring nais mong magmukhang propesyunal, at siyempre mas presentable sa mga video call. Narito ang limang tip para sa mas mainam na kalidad ng video call.

Pag-set up ng video call

Una, mag-set up ng video call. Maraming mga app na tutulong sa iyong mabilis na makagawa ng mga imbitasyon sa tawag sa loob mismo ng mga chat. Kung gumagamit ka ng Google calendar at nais mong i-install ang Gsuite extension, papayagan ka nitong pumili ng Zoom kapag gumagawa ng imbitasyon sa iyong calendar.

Maging presentable

Pangalawa, ngayong nakapag-set up ka na ng tawag, pag-usapan natin kung paan maging presentable sa harap ng kamera. Para riyan ay dapat tandaan na mahalaga ang maayos na ilaw. Buksan ang bintana at papasukin sa silid ang mga natural na ilaw. 

At siyempre, huwag kang umupo nang nakatalikod sa ilaw. Inirerekomendang ilagay ang pinakamalaking pinagmumulan ng ilaw na direkta sa harap mo o naka-45 degrees na anggulo mula sa harapan mo. Maaari rin na sa gabi o kapag madilim ang paligid, ang screen ng kompyuter mo na ang pinakamalaki mong pinagmumulan ng ilaw kaya siguruhing i-adjust din ito.

Anggulo ng kamera

Pangatlo, kailangan maayos din ang anggulo ng kamera. Dapat ito ay kapantay ng mga mata mo. Maaari kang gumamit ng kahit anong maaaring patungan gaya ng libro, kahon at iba pa para maipantay ang kamera sa mga mata mo. Gawin ito bago ang simula ng video, hindi kapag nagsimula na o kalagitnaan ng video call upang hindi makabagabag sa ibang nasa video call.

Ayusin ang audio

Pang-apat, mahalaga ring isaayos ang audio. Marami sa atin ay walang kontrol rito dahil ang paligid natin ay maaaring magbigay ng iba’t ibang tunog. Ngunit pinakamainam pa rin kung ikaw ay nasa tahimik na paligid. Isa pa, maaaring ang mga headphone ay mas mainam na mikropono kaysa sa kompyuter mo. Maaaring gumamit ng mga produkto gaya ng Bose 700, Galaxy Buds, at iba pa. Ang paggamit ng mga mainam na headphone o earphone ay makakatulong upang maging malinaw ang iyong tunog at boses at maaari ring magkansela ng ingay sa paligid mo.

Aralin ang video app

At panghuli, aralin nang maigi ang video call app na gamit mo. Tutulungan ka nitong mas maging epesiyente at madali ang karanasan sa video call mo. Halimbawa, maaaring gamitin ang space bar kapag mag-a-unmute at i-hold ito habang nagsasalita saka bibitawan kapag tapos nang magsalita. Ito tampok ay partikular sa Zoom. Sa ganitong paraan, para ka lang gumagamit ng walkie-talkie. 

Mas madali na lang ang komunikasyon ngayon dahil sa video calling. Kaya naman ang kalidad ng mga video call ay dapat nating isaalang-alang para sa mas nakasisiya at madaling karanasan natin sa bawat tawag. RNT

Previous articleMga Pinakamahusay na Internet Provider sa taong 2023
Next articleAno ang Isang Mobile Hotspot?