MANILA, Philippines – Umakyat na sa lima ang bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Crising at Habagat, ayon sa National Disaster Risk and Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Hulyo 21.
Dalawa rito ang nakumpirma, habang pito ang nawawala at isa ang nasugatan.
Umabot sa 800,864 katao o 225,985 pamilya ang naapektuhan sa 1,556 barangay, at 20,115 katao ang nasa evacuation centers.
Naitala rin ang 7 landslide sa Central Luzon (1), Calabarzon (2), Western Visayas (1), at Central Visayas (3).
Kabuuang 1,234 bahay ang napinsala—299 totally damaged at 935 partially damaged—sa iba’t ibang rehiyon. Tinatayang ₱219.37 milyon ang pinsala sa imprastraktura sa Regions 1, 6, 10, Mimaropa, at CAR.
Sinuspinde rin ang klase at trabaho sa ilang lugar dahil sa patuloy na pag-ulan. Santi Celario