MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority na suspendido ang number coding scheme sa Martes, Hulyo 22, 2025, sa National Capital Region dahil sa malakas na ulan mula sa Habagat.
“Mag-ingat sa pagmamaneho ngayong tag-ulan at sumunod sa batas trapiko,” paalala ng MMDA.
Nag-anunsyo rin ang Makati City government ng parehong suspensyon, bukod sa naunang deklarasyon ng walang pasok sa lahat ng antas at walang trabaho sa City Hall, maliban sa mga essential workers. Santi Celario