Home METRO 50 tirahan sa Caloocan tinupok ng apoy!

50 tirahan sa Caloocan tinupok ng apoy!

377
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 50 tirahan ang natupok sa sumiklab na sunog sa residential area sa Caloocan City nitong Lunes ng umaga, Oktubre 2.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa 10th Avenue, Barangay 9, sa tapat ng Judicial Complex na nagsimula ng 11:58 ng umaga.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bandang 12:27 ng hapon.

Ayon sa BFP, karamihan sa mga apektado ng sunog ay informal settlers. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here