MANILA, Philippines – Pansamantalang natigil ang bakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Pasig dahil sa kulang na suplay ng bakuna.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nasagad na ang suplay ng kanilang COVID-19 vaccine at wala pang abiso ang Department of Health kung kailan ipapadala ang mga bagong suplay.
Noong Setyembre, sinabi ng DOH na hindi na bibili ang Pilipinas ng karagdagang doses ng bakuna.
Sa pinakahuling datos ng DOH hanggang noong Marso 19, nasa kabuuang 177,374,244 COVID vaccine shots na ang naipamigay.
Sa nasabing bilang, 78,443,972 katao na ang nakakumpleto ng kanilang primary dose, 75,119,024 ang nakatanggap ng first dose at 23,811,248 ang nakakuha ng booster doses. RNT/JGC