Home NATIONWIDE 51% ng farm-to-market road nakumpleto na

51% ng farm-to-market road nakumpleto na

MATAPOS ang isa at kalahating taon pa lamang sa tanggapan, nakompleto na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 51% na target na 131,410.66 kilometers Farm-to-Market Road Network Program ng gobyerno sa loob ng anim na taon.

“I am happy to share a significant update sa ating Farm-to-Market Road Network program. Ang ating dapat na maging target is 131,410.66 kilometers sa anim na taon, maaari ko nang mai-report na 51 percent of that nabuo na natin,” ang bahagi ng maiksing video message ni Pangulong Marcos.

Sa nasabing target, nakapagtayo na ang pamahalaan ng 67,328.92 kilometers, na sinasabing 32 beses ng road trips mula Aparri hanggang Jolo.

“It is a testament to the magnitude of accomplishment of the government. It is not an initiative only to do with agriculture, it is a connection between all the different communities but of course its main purpose is to connect the markets and the producers— sa ating mga agricultural sectors lalo,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Samantala, tiniyak naman ng Chief Executive sa mga mamamayang Filipino na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagtatrabaho hanggang makompleto ang target na 131,410.66 kilometers bago matapos ang administrasyon at magtuloy-tuloy sa “Build, Better, More.” Kris Jose