Home NATIONWIDE 525 PDL pinalaya noong Enero 2025 – BuCor

525 PDL pinalaya noong Enero 2025 – BuCor

MANILA, Philippines- May kabuuang 525 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya noong Enero, nagdala sa kabuuang bilang ng pinalayang PDLs sa ilalim ng Marcos administration sa 18,947, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Huwebes.

Batay sa datos mula sa ahensya, 36 ang mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, Iwahig, at Mindanao; 71 mula sa Davao Prison and Penal Farm; 52 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm; 27 mula sa Leyte Regional Prison; 66 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm; at 34 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Samantala, 239 ang mula sa New Bilibid Prison sa Mandaluyong City.

“Sa inyong lahat na nandito, may haharapin na naman kayo. You will now face another chapter in your life, but we don’t want you to fail. Huwag kayo mawawalan ng pagasa,” pahayag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.

Ayon sa BuCor, 412 ang pinalaya matapos ang expiration ng kanilang maximum sentence, 68 ang pinawalang-sala, 32 ang ginawaran ng parole, at apat ang ginawaran ng probation. RNT/SA