Home NATIONWIDE 5,400 OFWs, na-repat sa gitna ng MidEast war

5,400 OFWs, na-repat sa gitna ng MidEast war

92
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 5,400 ang kabuuang bilang ng mga na-repatriate na overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga dependents matapos dumating nitong Lunes ang panibagong 342 sakay ng ikasiyam na chartered flight ng pamahalaan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na may mga susunod pang biyahe sa mga darating na araw upang maiuwi ang tinatayang 2,500 “repatriation-ready” OFWs mula sa Middle East habang pinaigting ng gobyerno ang repatriation efforts kaugnay ng sigalot na nagsimula noong Pebrero 28.

“So, this is the 9th chartered flight. We have 342 on board. So, this brings us to a total of 5,400 OFWs and their dependents and counting,” ani Cacdac sa isang media interview.

Ayon sa kalihim, kabilang sa mga susunod na darating ang 150 mula Bahrain at mahigit 300 mula Kuwait, kung saan naantala noon ang operasyon dahil sa airspace restrictions.

“We have an entire plane load from Kuwait kasi magbubukas na yung Kuwait Airport (We have an entire plane load from Kuwait because the Kuwait Airport is opening),” dagdag niya.

Sinabi rin ni Cacdac na isasabay sa flight sa Martes ang mga labi ng 16 OFWs na namatay sa natural causes, ngunit naantala ang kanilang pag-uwi dahil sa logistical constraints sa gitna ng pansamantalang pagsasara ng airspace.

Sa kabila nito, tiniyak ng DMW na nagpapatuloy ang pagtulong sa distressed workers at maging sa pag-uwi ng mga labi ng mga Pilipino.

Ayon pa sa kanya, maaaring gumamit na ang pamahalaan ng commercial flights kapag bumuti ang sitwasyon sa Middle East. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here