Home NATIONWIDE 59 barangay sa Maguindanao del Sur sapul sa matinding baha

59 barangay sa Maguindanao del Sur sapul sa matinding baha

246
0

MANILA, Philippines – Lubog sa baha ang 59 barangay sa Maguindanao del Sur dahil sa trough ng Tropical Storm Kristine.

Dahil dito ay pwersahang inilikas ang mahigit 200 pamilya.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang 59 barangay ay mula sa walong bayan ng probinsya.

Ang mga apektadong bayan ay ang Datu Hoffer, Paglat, Datu Saudi Ampatuan, Pandag, Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, Sultan sa Barongis, at Guindulungan.

“Mayroon po tayong na-rescue na walong pamilya doon na na-trap po sa loob kasi tumaas po ang level ng tubig, umabot ng hanggang dibdib, nahihirapan yung mga bata at saka matatanda, so we have to augment the rescue efforts ng municipalities ng Datu Hoffer,” sinabi ni PDRRMO Head, Ameer Jehad Ambalodto, sa panayam ng GMA News.

Wala namang nasawi sa pagbaha, bagamat ang mga pamilyang inilikas ay pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center.

“Although these past how many months, ilang beses na po tayong nagdeklara ng state of calamity sa ating probinsya. Meron pa naman tayong natitirang disaster funds, so the good governor has already instructed mag-repack tayo sa ating logistics operation center. She is in contact din sa DSWD Secretary para maghingi ng additional tulong para sa ating mga kababayan,” dagdag ni Ambalodto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here