MANILA, Philippines – Nasagip ng pulisya ang isang anim na taong gulang na batang lalaki mula sa kanyang ina at partner nito na nagsasagawa ng online sexual exploitation sa Laguna, sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes.
Sinabi ni PNP-Anti-Cybercrime Group chief Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga na ang entrapment operation sa Barangay Pansol noong Oktubre 17 ay nagbunga ng pagkumpiska sa apat na mobile phone na ginamit sa pag-record, livestream at pag-imbak ng mga larawan ng pang-aabuso sa bata.
Isinagawa ang operasyon kasunod ng pag-aresto sa isang 33 taong gulang na lalaki mula sa New South Wales, Australia noong Setyembre 19, 2024.
Kinilala ng Australian ang ina ng nasagip na bata bilang facilitator ng online sexual abuse at exploitation.
Ang lalaki ay nagbabayad ng US dollars kapalit ng mga materyal na pang-aabusong sekswal at pagsasamantala sa bata at para sa bata na magsagawa ng mga sekswal na gawain online.
Ang bata ay isinangguni sa Calamba City Social Services Department para sa pangangalaga at suporta.
Ang dalawang suspek, na itinago ang pagkakakilanlan alinsunod sa legal at child protection protocol, ay isinailalim sa inquest proceedings noong Oktubre 18 at ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act. RNT