CAVITE, Philippines – Anim na kalalakihan ang naaresto ng Silang Municipal Police Station sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga at sugal sa Silang, Cavite.
Isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Chief of Police PLTCOL Joseph D. Macatangay, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dakong alas-6:15 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad. Nakumpiska sa mga suspek ang ilang plastic sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱8,900, buy-bust money, ₱600 bet money, at mga ending card na ginamit umano sa ilegal na sugal.
Nasa kustodiya na ng Silang Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa Presidential Decree 1602 o paglabag sa illegal na sugal. MARGIE BAUTISTA