Home METRO 6 brand new electric bus umarangkada sa QC

6 brand new electric bus umarangkada sa QC

MANILA, Philippines- Sinabi ng Quezon City Givernment na nagsimula na nitong Enero 2 na maghatid-sundo ng.mga pasahero ang anim (6) na bagong electric bus ng Quezon City LGU mula QC Hall papuntang Cubao at vice versa.

Ayon sa QC LGU, ang naturang mga bus ay dagdag na masasakyan ng publiko partikular ng QCitizen sa ilalim ng QC Bus Libreng Sakay Program ng lokal nga pamahalaan.

Nabatid na katulad ng iba pang unit ng Free Bus Ride sa iba’t ibang destinasyon sa QC, lalarga ang mga brand new electric bus mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Idinagdag pa ng QC LGU ang brand new electric bus ay iikot sa:

  • Kalayaan Avenue cor. Masigla Kalayaan Avenue cor. Kamias Rd. Interchange

  • Barangay Silangan Hall

  • 15th Avenue cor. Aurora Boulevard

  • Cubao/Araneta City (AliMall)

Ayon pa sa QC government, may pitong ruta na nagsimula noong 2020 sa panahon ng pandemya at itinuloy ang serbisyo hanggang sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, ang Free Bus ride ay nakakabawas sa gastusin ng publiko lalo na ng mga QCitizen sa araw-araw na pagbiyahe sa kani-kanilang destinasyon sa buong lungsod. Santi Celario