Arestado sa Grande Island, Subic Bay ang anim na dayuhan at dalawang Pilipino na hinihinalang sangkot sa espiya at kidnapping.
Ayon sa Department of National Defense (DND), kabilang sa mga nahuli ang limang Chinese, isang Cambodian, at dalawang Pilipino dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code at Cybercrime Prevention Act.
“The arrest exposes the unlawful nature, including suspected espionage and kidnapping activities related to Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), for which some foreign nationals are using Grande Island under the guise of private enterprises,” ayon sa DND.
“Such activities, which may be part of larger criminal network operations, pose a serious threat to our national security,” dagdag pa sa DND.
Narekober sa kanila ang mga cellphone, laptop, isang 9mm baril, at 16 na bala. Babala ng DND, ang ganitong aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ay banta sa pambansang seguridad.
Pinag-aaralan ngayon ng DND na ideklarang military reservation ang Grande at Chiquita Islands upang maprotektahan ang Subic Freeport Zone, Riviera Wharf, at Subic Bay International Airport.
Ang Grande Island ay isang estratehikong lokasyon na may malinaw na tanaw sa West Philippine Sea, kabilang ang Bajo de Masinloc. RNT