MANILA, Philippines – Binatikos ni Senador Imee Marcos ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) upang harapin ang mga kasong crimes against humanity.
Sa pagdinig ng Senado, ipinakita niya ang mga video ng pag-aresto kay Duterte pagbalik mula Hong Kong at ang paglipad nito patungong Netherlands.
“Ito ang napanood ng buong bansa, at ang tanging tanong, bakit natin isinuko ang isang kapwang Pilipino? Kung ang iyong kapatid ay inuusig, ipapasa mo ba sa kamay ng iba? Kung ang iyong ama o ‘di kaya ang iyong lolo pa, matanda na, may sakit, kinakakaldkad palabas ng inyong tahanan, manonood ka ba na parang wala lang?”, anang senadora.
(c) Cesar Morales
(c) Cesar Morales
Tinuligsa niya ang pagsuko ng isang kapwa Pilipino sa dayuhang hukuman, na inihalintulad sa pagtalikod sa isang kapamilya.
“Ganito ang nangyari ngayon. Isinuko natin si Rodrigo Roa Duterte sa dayuhan na para bang wala siyang sariling bayan, na para bang hindi na nating kayang humusga sa sarili nating tahanan,” dagdag pa ni Imee.
Aniya, tila ginawa nang “probinsya” ng The Hague ang Pilipinas.
Binalaan niya na maaaring maulit ito sa iba pang Pilipino at iginiit na hindi lang ito tungkol kay Duterte kundi sa dignidad ng bansa.
“If they can march into our house and take one of our own, what stops them from doing it again and again to you, to me, to any of us?… This bigger than Duterte, this is about our dignity as Filipinos,” babala pa ng senadora.
Nangako si Marcos na maglalagay ng mga pananggalang kung mapatunayang may mali sa naging proseso ng pag-aresto. RNT