Home NATIONWIDE 6 lugar makararanas ng mapanganib na lebel ng heat index

6 lugar makararanas ng mapanganib na lebel ng heat index

MANILA, Philippines – Makararanas ng mapanganib na lebel ng heat index ang anim na lugar sa bansa ngayong araw, Abril 6.

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na ito ay ang:

43°C

Virac (Synop), Catanduanes

42°C

Dagupan City, Pangasinan
Puerto Princesa City, Palawan
Cuyo, Palawan
Dumangas, Iloilo
La Granja, La Carlota, Negros Occidental

Ang heat index na mula 42°C hanggang 51°C ay nasa ilalim ng danger category, habang ang mga lugar na mayroong 52°C at pataas na heat index ay nasa ilalim ng extreme danger category.

Posible ang heat stroke sa mga lugar na nasa ilalim ng extreme danger, habang heat cramps, exhaustion at heat stroke naman ay may mataas na tsansa ring maranasan sa ilalim ng danger level ng heat index. RNT/JGC