Home NATIONWIDE Mga Pinoy na inakusahan ng pang-eespiya ipinakita sa TV sa China

Mga Pinoy na inakusahan ng pang-eespiya ipinakita sa TV sa China

CHINA – Nagpalabas ang Chinese state television ng footage ng tatlong Filipino na inaresto sa umano’y pagtatrabaho para sa Philippine intelligence agency para mangalap ng impormasyon sa militar ng China.

Ipinakita ng CCTV, isang television network sa China, ang mga video ng umano’y espiya na nasa kustodiya ng pulisya.

Makikita ang tatlong indibidwal na nagsasalita at kinikwestyon ng pulisya, kung saan umamin pa umano sa alegasyon ang mga ito.

Nabahala ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagkakaaresto ng tatlong Pinoy at sinabing ang mga ito ay ordinaryong mamamayan lamang.

Hinala rin ng Pilipinas na ang pag-aresto sa mga ito ay ganti sa crackdown ng Manila sa mga umano’y Chinese spies.

Sa pahayag, sinabi ni NSC spokesperson Jonathan Malaya na kaduda-duda ang mga pahayag ng mga Pinoy sa ipinalabas na video.

“There was also mention of a ‘Philippine Intelligence Agency’ or ‘Philippine Spy Intelligence Services’ which is a non-existing government agency. The ‘confessions’ appear to be scripted, strongly suggesting that they were not made freely,” ani Malaya.

“Given the limited information released by Chinese media, the arrests can be seen as a retaliation for the series of legitimate arrests of Chinese agents and accomplices by Philippine law enforcement and counter-intelligence agencies in recent months,” dagdag niya.

Samantala, pinabulaanan din ng opisyal ng Palawan province ang alegasyon ng pamahalaan ng China sa tatlong Filipino at sinabing ang mga ito ay dating iskolar at nais lamang na tumulong sa kanilang mga pamilya at mag-aral abroad.

Ang tatlong Filipino, dalawa ay lalaki at isa ang babae, ay dating mga iskolar ng Hainan Normal University sa ilalim ng kasunduan kasunod ng sisterhood relationship ng Palawan at Hainan, China. RNT/JGC