Home METRO 6 na OFW dalawang buwang stranded lulan ng barko sa Iloilo, nasagip

6 na OFW dalawang buwang stranded lulan ng barko sa Iloilo, nasagip

ILOILO CITY – Nailigtas ang anim na overseas Filipino worker (OFWs) na na-stranded sakay ng dayuhang barko na naka-angkla sa Loboc sa Iloilo City sa loob ng dalawang buwan noong Lunes ng gabi.

Ang mga OFW, tatlo mula sa Iloilo at tig-isa mula sa Batangas, Cebu, at Manila, ay sakay ng MV Hirman Star, kasama ang pitong Indian national, mula noong Abril 3, 2025.

Nitong Lunes, tinipon ni Baronda ang Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Coast Guard, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Maritime Industry Authority, at ang crewing agency, na humantong sa pagliligtas.

Ang mga distressed OFW ay nakatanggap ng tulong pinansyal na PHP100,000 mula sa DMW at OWWA.

Binigyan ng crewing agency ng hotel accommodation at isasailalim ang mga ito sa medical examination ngayon, Hulyo 1.

Tutulungan din ng ahensya ang kanilang pagbalik sa kani-kanilang mga lugar pagkatapos sumunod sa quarantine, immigration, at customs requirements.

Samantala, sinabi ni Baronda na inaasahang bababa ang mga Indian national sa Martes. Sinabi niya na ang Embahada ng India ay nagpadala na ng liham na humihingi ng tulong sa kanilang pagpapauwi. RNT/MND