Home NATIONWIDE Scholarship Program para sa mga anak ng aktibong pulis paiigtingin – NAPOLCOM

Scholarship Program para sa mga anak ng aktibong pulis paiigtingin – NAPOLCOM

296
0

MANILA, Philippines – Pinaiigting ng National Police Commission (Napolcom) ang pagpapalawak ng scholarship program upang mapabilang ang mga anak ng mga aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Vice Chairperson at Executive Officer ng Napolcom na si Rafael Vicente R. Calinisan, ang umiiral na patakaran ay hindi na kinakailangang humantong pa sa pagiging permanenteng “disabled” o gumawa ng sukdulang sakripisyo ang mga pulis upang mapasama ang kanilang mga anak sa kanilang mga scholarship program.

Naglabas ng pahayag si Calinisan matapos mamatay ang dalawang pulis sa kanilang tungkulin—isang Patrolman Mark Gomer Ornopia Sr. ng Danao City Police Station at Patrolman Curtney Harwin Baggay ng Quezon City Police District.

“Two officers have died in succession—this is a grim testament to the fact that the life of a policeman is lived with one foot already in the grave. Our police are doing their best to keep our streets and communities safe,” ayon kay Calinisan.

“My aim is to uplift the morale and welfare of the police force by working on scholarship programs—not just for the families of those killed or wounded in operations, but even more so for those still actively serving,” dagdag pa niya.

Ang scholarship program ay makakatulong sa pagpapalakas ng moral at kapakanan ng mga alagad ng batas at upang maisakatuparan ito, hinimok ni Calinisan ang pribadong sektor na makipagtulungan sa Napolcom sa pagsuporta sa mga hakbangin sa scholarship na mapakikinabangan ng mga dedikadong pulis ng bansa at kanilang mga pamilya.

“We welcome partnerships with private institutions who share our goal of empowering our men and women in uniform through education and meaningful support,” ani Calinisan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here