Home NATIONWIDE 6 patay, 6 sugatan sa nasunog na bangka sa Cebu

6 patay, 6 sugatan sa nasunog na bangka sa Cebu

MANILA, Philippines – Anim na ang kumpirmadong patay habang anim na iba pang survivors at nasagip sa nasunog na fishing banca sa katubigang sakop ng Naga, Cebu, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nangyari ang sunog sa FBCA King Bryan habang sakay ang 12 crew.

Sa anim na survivors, isa ang kritikal habang stable na o nasa maayos na kalagayan na ang limang iba pa.

Nakuha ang ilan sa mga nasawi sa ilalim ng mga debris ng fishing banca, ayon sa ibinahaging impormasyon ng PCG.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibang detalye na maibahagi ang PCG dahil nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PCG Sub-Station Naga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)