INDONESIA – Patay ang anim katao sa nangyaring pagsabog ng isang bulkan sa eastern Indonesia.
Nagbuga ng makapal na abo at lava sa mga kalapit na barangay ang Mount Lewotobi Laki-Laki, na matatagpuan sa isla ng Flores.
“According to our coordination with the local authorities, six fatalities have been confirmed,” sinabi ni Abdul Muhari, tagapagsalita ng disaster management agency nitong Lunes, Nobyembre 4 sa isang panayam.
Itinaas na ng volcanology agency ng bansa ang pinakamataas na alert level at inabisuhan ang mga residente at turista na huwag lumapit sa seven-kilometer radius ng crater.
“There has been a significant increase in volcanic activity on Mount Lewotobi Laki-laki.”
Nagbabala rin ang ahensya sa posibilidad ng rain-induced lava floods, at pinagsusuot din ng face masks ang publiko para makaiwas sa epekto ng volcanic ash. RNT/JGC