MANILA, Philippines – Isang aksidente sa kalsada sa Dumalinao, Zamboanga del Sur, noong Black Saturday ang ikinasawi ng dalawang tao at ikinasugat ng 14 iba pa.
Ang 10-wheeler delivery truck na minamaneho ni Ricky Miguel Guerrero ay nagkaaberya umano ang preno habang papunta sa Pagadian City.
Nawalan ng kontrol ang truck malapit sa municipal police station bandang 10 a.m. at bumangga sa anim na sasakyan, kabilang ang isang pickup truck, mini-van, ibang truck, motorsiklo, at dalawang tricycle.
Ang mga nasawi ay sina Lolita, 76, na pasahero ng pickup truck, at Rene, 50, na dispatcher ng tricycle.
Sumuko naman sa lokal na pulisya si Guerrero matapos ang insidente. RNT