Home NATIONWIDE ‘Choosy’ taxi drivers pananagutin ng LTO

‘Choosy’ taxi drivers pananagutin ng LTO

MANILA, Philippines – Maglulunsad ang Land Transportation Office–National Capital Region (LTO-NCR) ng isang crackdown laban sa mga taxi drivers na tumatangging magsakay o pumipili ng pasahero.

Ang kampanyang tinatawag na “Oplan Isnabero” ay magsisimula sa Linggo, Abril 20, 2025, sa mga pangunahing terminal ng pampasaherong sasakyan sa Metro Manila.

Layunin ng kampanya na tiyakin ang accessibility ng pampasaherong transportasyon habang dumadagsa ang mga biyahero matapos ang bakasyong Holy Week.

Binanggit ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na papatawan ng parusa ang mga taxi driver na tatanggi magsakay ng pasahero, ayon sa Joint Administrative Order No. 2014-01 na may multa mula P5,000 hanggang P15,000.

Ang mga paulit-ulit na lalabag ay maaaring mawalan ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC). Santi Celario