MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lumulutang na bali-balita na umano’y kinidnap ang apat na prominenteng negosyante.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang press conference noong Abril 19, 2025, galit ang mga negosyante sa mga maling balitang ito.
“At least apat ito na prominent personalities and businessmen na lumalabas na kinidnap sila. We want to categorically deny na sila ay na-kidnap. Nagagalit nga sila dahil bakit lumalabas na sila ay kinidnap?” ani PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.
Sinabi pa ni Fajardo na nakipag-usap ang Chief PNP nang personal sa mga negosyante upang tiyakin na hindi sila kinidnap.
Ang Anti-Cybercrime Group (ACG) ay nag-iipon na ng ebidensya upang magsampa ng kaso laban sa mga nagkalat ng tsismis online. Santi Celario