MANILA, Philippines – Isang 31-anyos na lalaki ang nasugatan sa pagsabog sa municipal hall ng Buluan, Maguindanao del Sur noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025.
Ayon sa pulisya, tatlong hinihinalang granada ang inihagis ng mga salarin na sakay ng motorsiklo, na nagresulta sa pagkakasugat ng biktima at pagkakasunog ng isang sasakyang nakaparada.
Tumakas agad ang mga suspek matapos ang insidente. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin. RNT