Home NATIONWIDE 6 US service members patay sa plane crash sa Iraq

6 US service members patay sa plane crash sa Iraq

166
0

IRAQ – Patay ang anim na crew na sakay ng US military KC-135 refueling aircraft matapos bumagsak sa western Iraq.

Ang mga nasawi ay dagdag sa naunang pitong US service members na nasawi rin bilang bahagi ng operasyon ng US laban sa Iran na nagsimula noong Pebrero 28.

“The circumstances of the incident are under investigation. However, the loss of the aircraft was not due to hostile fire or friendly fire,” saad sa pahayag ng US Central Command.

Sa pagsasalita sa mga mamamahayag sa Pentagon nitong Biyernes, Marso 13, sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na ang mga operasyon laban sa Iran ay magpapatuloy.

“War is hell. War is chaos, and as we saw yesterday with the tragic crash of our KC-135 tanker, bad things can happen,” ani Hegseth.

Sinabi ng opisyal n US na ang ikalawang eroplano na sangkot sa pagbagsak na nakalapag naman ng ligtas ay isang military refueling aircraft na kilala bilang KC-135.

Nagpadala ang Estados Unidos ng malaking bilang ng mga eroplano sa Middle East para makibahagi sa mga operasyon laban sa Iran at ang naturang insidente ay nagpapakita umano ng mga banta hindi lamang sa operasyon kundi maging sa pagkakarga ng krudo sa mga eroplano sa himpapawid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here