Home HOME BANNER STORY Hirit ni Bato sa paggamit ng Senate Mansion para sa pamilya, ‘di...

Hirit ni Bato sa paggamit ng Senate Mansion para sa pamilya, ‘di pinagbigyan

149
0

MANILA, Philippines – Humiling si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng permiso na gamitin ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City.

Ito ang kinumpirma ni Sotto nitong Biyernes, Marso 13 na nakatanggap umano siya ng liham mula kay Dela Rosa na apat na buwan nang hindi na pumapasok sa trabaho.

Inilarawan ni Sotto ang liham bilang “privileged communication,” at sinabing ini-refer niya ang request sa Senate Secretariat.

Bilang tugon, kinumpirma ni Senate Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza na natanggap na ang liham ngunit sinabi na ang Senate Mansion ay isinasailalim sa repair.

“The Senate mansion is undergoing repairs now and the policy is the family must be accompanied by the senator,” ani Mendoza.

Nang tanungin kung hindi pagbibigyan ang hiling ni Bato, sinabi ni Mendoza na: “Yes.”

Sa liham, humingi ng permiso si Dela Rosa sa opisina ni Sotto na gamitin ang Senate Mansion sa huling bahagi ng Marso para patuluyin ang kanyang pamilya.

Wala pang tugon ang opisina ni Dela Rosa sa resulta ng kanyang kahilingan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here