Home NATIONWIDE 60% pagtaas sa kaso ng leptospirosis naitala sa Ilocos

60% pagtaas sa kaso ng leptospirosis naitala sa Ilocos

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health – regional office sa Ilocos ang mga residente laban sa leptospirosis at iba pang water-borne diseases sa gitna ng tag-ulan at pagbaha sa rehiyon matapos makapagtala ng 45 kaso mula Enero 1 Hanggang Hulyo 22 ngayong taon.

Sinabi ng DOH-1 na ang bilang ng mga kaso ay 60 porsiyentong mas mataas kaysa sa 28 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa kabuuang bilang ng mga kaso ngayong taon, 14 ay sa Ilocos Norte, 13 sa La Union, 16 sa Pangasinan at dalawa sa Dagupan City, na isang chartered city sa Pangasinan.

Ang mga namatay dahil sa leptospirosis ay tumaas din mula tatlo sa nasabing panahon noong nakaraang taon sa siyam sa parehong panahon ngayong taon o 21 percent ang itinaas.

Ang datos ayon sa DOH ay nakalap bago ang mga insidente ng pagbaha dulot ng Super Typhoon Egay ngunit maaaring tumaas ang bilang na iyon dahil sa mas maraming pagbaha sa mga nakaraang araw.

Mariing pinaalalahanan ni DOH-1 regional director Paula Paz Sydiongco ang publiko na huwag lumusong sa tubig baha dahil maaari itong mahawa ng leptospira bacteria.

Pinayuhan din niya ang mga residente na magsuot ng protective gears tulad ng bota, kapote at payong kapag lalabas, at hugasan agad ang kanilang mga paa gamit ang malinis na tubig at sabon pagkatapos madikit sa tubig baha.

Samantala, hinikayat din ni Sydiongco ang mga residente sa Ilocos Region na kabilang sa mga healthcare workers, nakatatanda na may comorbidities at kanilang
Bivalent COVID-19 vaccines subpriority groups na kumuha na ng bivalent bivalent COVID-19 vaccine.

Sa Ilocos Region, mayroon nang 15,439 indibidwal na nakatanggap ng kanilang bivalent booster nitong Agosto 4. Jocelyn Tabangcura-Domenden